Search
  • Ikarus Theater Co.

Tunay na Lalaki by Justin Ayran

Wala na sana akong sasabihin about this, but this is good advice for anyone.

Also, I apologize for the code switching and the poor balarila. Babawi na lang ako.

Habang tumatanda ako, narerealize ko kung ano ba talaga ang batayan ng pagiging "tunay na lalaki". Ang lumalabas kasi na ideas tungkol dito ay related sa pagiging astig. Yung machismo kasi sa kultura natin, hanggang ngayon, hanggang sa henerasyon na ito, ang lakas pa rin.

I have a modest proposal: kesa magpaka "tunay na lalaki" tayo, bakit hindi na lang tayo maging "matinong tao"?

Ang tunay na lalaki raw, hindi umaatras sa away. Lalaban yan. Di mo pwedeng bastusin ang tunay na lalaki.


Sana, pag naging matinong tao tayo, sana hindi na kailangang mapa-away. Sana alam natin kung kailan dapat ipagtanggol ang sarili, at kung kailan dapat hayaan na lang ang mga bagay, kasi kung mababanas tayo tuwing may magsabi ng masama sa atin, parang ang toxic naman ng buhay natin nun.

Ang tunay na lalaki raw, vocal and outspoken. He speaks his mind. He doesn't care what people think.

Sana, pag naging matinong tao tayo, we still speak out, pero sana magamit natin yung filter of decency. Hindi naman censorship or oppression kung iisipin mo kung sinong pwedeng masaktan sa mga sasabihin mo eh. Hindi naman kahinaan ang pagiging considerate.

Marami nang "tunay na lalaki" sa mundo. At kung totoo nga ang sinabi ng isang tauhan sa Dekada '70 ni Lualhati Bautista na "It's a man's world", baka kaya sobrang gulo ng mundo ngayon.

Maybe we don't need "tunay na lalaki". Maybe we need more decent people.

32 views

Recent Posts

See All

DITO: Bahay ng Sining, J. Molina St., Marikina City

+63956 052 6896

©2020 by Ikarus Theater Collaborative